4 patay, 3 nawawala sa sunog sa Malabon
MANILA, Philippines - Apat katao ang patay, kabilang ang dalawang bata, sa sunog sa lungsod ng Malabon ngayong Miyerkules ng madaling araw.
Nakilala ang dalawa sa mga biktimang sina Tomas Mateo Cruz at isang Mylene. Hindi pa nakikilala ang mga bata na may edad 4 at 10.
Bukod sa mga nasawi ay tatlong katao pa ang nawawala sa sunog na tumupok ng 100 bahay sa kalye ng Espiritu sa Barangay Tenejeros.
Nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng madaling araw na tumagal ng halos dalawang oras.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog na tumupok sa tinatayang P1 milyon halaga ng ari-arian.
- Latest