Pintor itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Isang pintor na magdiriwang sana ng kanyang ika-32 na kaarawan ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Kinilala ni PO2 Louie Serbito, ang biktima na si Alejandro De Luna, residente ng Don Carlos St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit.
Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorÂsiklong walang plaka makaraang isagawa ang krimen.
Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Don Carlos St., ganap na alas-5:30 ng umaga.
Ayon sa security guard na si Vic Duritan ng Amare Homes Town house, nagising na lang umano siya sa mga putok ng baril na narinig mula sa labas nila.
Dala ng kuryusidad, nagpasya si Duritan na sumilip sa may main gate ng gusali upang tignan hanggang sa makita niya ang biktima na nakahandusay sa semento at duguan.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre 45, isang tingga at isa pang basyo ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril.
Nagtamo naman ng mga tama ng bala ang biktima sa katawan at sa ulo.
- Latest