Informal settlers sa Pasig River, wawalisin ng MMDA
MANILA, Philippines - Sa pag-arangkada ng Pasig River Ferry System sa susunod na buwan asahang magiging mabango at malinis ang naturang ilog dahil punÂtirya ngayon ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) na walisin o tanggalin ang lahat ng informal settlers na naninirahan sa tabi nito.
Nabatid kay MMDA planning officer Rey Lunas, ang pagtatapon ng dumi at basura ng mga informal settlers na nakatira malapit sa ilog ang dahilan kung kaya’t marumi at mabaho ang amoy sa Pasig River.
Isa ito sa mga alternatibong pampublikong transportasyon para maiwasan ang inaasahang mabigat na daloy na trapiko dahil sa nalalapit na implementasyon ng infrastructure road projects ng gobyerno.
Una nang sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na full blast na ang operasyon ng Pasig River Ferry System sa huling linggo ng buwan ng Abril.
Nabatid kay Tolentino, walong ferry boats ang nakatakdang patatakbuhin ng mga pribadong grupo. Magsisimula aniya muna sa limang ferry stations o terminal ang magsisibiling dadaungan ng mga ferry at ito’y inaasahang madagdagan pa ng pitong stations.
Kabilang sa limang station ay ang Guadalupe sa Makati City; Sta. Ana sa Sta. Ana, Manila; Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila; Escolta sa Binondo, Manila at Plaza Mexico sa Intramuros, Manila.
- Latest