‘Solvent boys’ sa Maynila dumarami
MANILA, Philippines - Nanawagan kay Manila Mayor Joseph Estrada ang ilang drivers at commuters hinggil sa pagdami ng mga solvent boys sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Partikular na tinukoy ng mga driver ng pampasaherong jeep at commuters ang lugar sa harap ng Bonifacio Shrine, Lawton, likod ng post office at Bureau of Immigration.
Ayon sa mga driver at commuters, tila parami nang parami ang mga batang nalululong sa solvent kung saan makikitang nagbibigayan pa ito ng solvent samantalang wala namang aksiyong ginagawa ang mga awtoridad.
Apela ng mga concerned citizen, dapat umanong akÂsiyunan ng city government ang problemang tulad nito dahil maging ang mga sanggol ay nagiging biktima ng amoy ng solvent.
Anila, responsibilidad pa rin ng city government ang kapakanan ng mga ito kung saan dapat pa ring may lugar sa mga solvent boys upang mapagbago.
Sinabi naman ni Sr. Insp. Ness Vargas, deputy chief ng Manila Action and Special Assignment (MASA) ng Manila City hall, makikipag-ugnayan sila sa Manila Social Welfare Department upang makuha ang mga solvent boys at masawata ang pagdami nito.
- Latest