^

Metro

Humoldap, pumatay sa negosyanteng Tsinay: AWOL na pulis, wanted

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado na ang isang dating pulis na subject sa ‘shoot to kill order’ noon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na kabilang sa grupo na nangholdap at pumatay sa isang negos­yanteng Tsinay at pagkakasugat pa ng  kapatid na lalaki at ama nito, sa Binondo, Maynila noong Enero 11, 2012.        

Sa pamamagitan ng  warrant of arrest na ipina­labas ng Manila Regional Trial Court Branch  42, dinakip ng grupo na pinamumunuan ni Chief Inspector Dennis Wagas-hepe ng Manila Police District-Ge­neral Assignment Section sa isang bahay sa Cogeo, Antipolo City dakong alas 3:50 kamakalawa ng hapon ang suspek na si PO1 Ernesto Binayug Jr. Walang piyansang inirekomenda laban dito.

Si Binayug na dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na isa nang AWOL ay isa sa apat na suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Heidi Hsu, 26, at pagbaril din sa kapatid na si Herbert, 24; at ama nilang si Tony, 67; at panghoholdap, sa pa­nulukan ng Madrid at La­vezares Sts., sa Bi­nondo, Maynila.

Nasaksihan ng ama na si Tony ang paglapit ng mga suspek sa kanyang mga anak na hinoholdap at nang saklolohan ay siya rin ay pinagbabaril ng apat na mga suspek bago tumakas sakay na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo dala ang mga armas.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima subalit dead-on-arrival si Heidi.

Kagagaling lamang umano ng mga biktima sa pagsasara sa kanilang tindahan ng sibuyas sa Divisoria market nang maganap ang  panghoholdap at pamamaril.

Sa imbestigasyon, lumalabas na kabilang si Binayug sa mga suspek  at batay na rin sa nakita sa closed circuit television (CCTV)  footage.

Depensa  naman ng suspek sumuko  siya matapos magpalamig ng dalawang taon sa Cagayan  dahil sa takot. Handa na umano siya ngayong harapin ang kaso.

ANTIPOLO CITY

ASSIGNMENT SECTION

CHIEF INSPECTOR DENNIS WAGAS

ERNESTO BINAYUG JR. WALANG

HEIDI HSU

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT-GE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with