Kaloob ng QC government cash incentives sa honor students
MANILA, Philippines - Pagkakalooban ng cash incentives ng Quezon City government ang mga matatalinong mag -aaral sa public elementary at high school sa lungsod ngayong graduation.
Ito ay makaraang aprubahan ni QC Mayor Herbert Bautista ang paglalaan ng P1.42 milyon bilang cash incentives sa mga honor students sa lahat ng pampublikong paaralan sa kanyang nasasakupan.
Sa ilalim ng programang ito,tatanggap ng P5,000 cash incentive ang class valeÂdictorians; P3,000 sa salutatorians; at P2,000 sa first honorable mentions.
Kaugnay nito, inaprubahan din ni Bautista ang pagpapalabas ng P1.695 milyon bilang subsidiya sa commencement exercise sa lahat ng public schools sa lungsod.
Ang halaga ng budget para dito ay ibabatay depende sa laki ng populasyon ng mga mag -aaral sa bawat paaralan.
Una rito, sinabi ni QC division of schools supeÂrintendent Ponciano Meguito na ang graduation rites ng mga public schools sa lungsod ay mula March 24 hanggang 28 para sa may mahigit 70,000 mag-aaral na magsiÂsipagtapos sa public eleÂmentary at high schools ngayong taon.
Tiniyak din ni Meguito sa mga magulang ng mga graduates na walang cash collection para sa schools graduation rites. School uniform anya ang gagamitin ng mga magsisipagtapos na mag-aaral.
- Latest