^

Metro

Kasambahay ipinakulong ng amo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang bagsak ng isang 51-anyos na kasambahay dahil sa umano’y pagbigay ng mga importanteng gamit ng kanyang amo sa miyembro ng ‘Dugo-dugo gang’ sa lungsod Quezon.

Si Catalina Ordono, ay kinasuhan ng qualified theft base sa reklamo ng kanyang among si  Martha Manzana, 75, na natangayan ng may P1.3 milyong cash at alahas.

Partikular na natangay kay Manzana ang ilang piraso ng mga alahas na nagkakahalaga ng P500,000, isang diamond-studded Rolex watch na halagang P800,000, P25,000 cash at $2,000 cash, gayundin ang mga passports at mga IDs.

Si Ordono ay isinalang na sa inquest proceedings sa Quezon City prosecutor’s office, kung saan inaprubahan ni inquest fiscal Ronald Torrijos ang pagsasampa ng kasong qualified theft.

Ayon kay PO2 Rhic Ronald Pittong, imbestigador, umalis si Manzana sa kanyang bahay sa Barangay La­ging Handa noong Miyerkules ng umaga para dumalo sa isang pagpupulong ng mga kasamahan sa simbahan. Iniwan din anya nito ang master’s bedroom na naka-lock.

Ganap na alas- 4:30 ng hapon, nakatanggap si Ordono ng tawag mula sa isang babae na nagsabing ang kanyang amo ay nasangkot sa isang vehicular incident at nangangailangan ng pera. Dahil dito, base sa  utos ng caller, puwersahang binuksan ng katulong ang kuwarto ng amo at kinuha ang mga gamit na nasa loob ng cabinet saka ipinadala sa isang mall kung saan doon natangay ang pera at mga alahas.

Matapos nito ay nagpunta si Ordono sa security office ng mall security at ini-report na siya ay naloko.

Agad na dinala ng security officers sa presinto sa Quirino Grandstand ang katulong kung saan siya nagpa-blooter dahil sa na-swindle siya ng isang con artists.

Matapos nito, nalaman kalaunan ni Manzana ang kinaroroonan ng katulong nang tawagan ito ng kanyang anak at tanungin kung nasaan.

Nang mabatid, sabi ni Pittong­, agad na nagtungo ang tropa ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit sa Manila para arestuhin si Ordono dahil sa pakikipag-sabwatan sa mga manloloko.

vuukle comment

BARANGAY LA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ISANG

MARTHA MANZANA

MATAPOS

ORDONO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with