^

Metro

3 recruiter ng frat, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng mga magulang ng mga kabataang narecruit ng mga ito sa kanilang fraternity kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong obstruction­ of justice ang suspek na sina si Archemedes Pangando­yong, 55, habang physical injuries in relation to child abuse naman ang ikinaso kina Regan Buen, 18; at Mario Reyes, 19, pawang residente ng Displina Village ng naturang lungsod.

Ayon sa report ng Valenzuela City Police, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga magulang ng mga biktimang edad 11 hanggang 14 na na-irecruit nina Buen at Reyes sa kanilang San Francisco-Novaliches Gang.

Nabatid na sumailalim umano sa hazing ang mga biktima kung saan nakitaan ng mga paso ng sigarilyo sa mga braso at palo sa   magkabilang hita ang mga ito.

Dahil dito, alas-4:00 ng hapon ay pinuntahan ng mga pulis ang lugar ng mga suspek upang dakpin ang mga ito subalit pilit na hinarang ni Pangandoyong ang mga awtoridad na naging dahilan upang isama siya sa presinto kasama sina Reyes at sampahan ng mga na­sabing kaso.

Ayon pa sa mga biktima na pilit silang pinagagamit ng marijuana at pinasasali sa rambulan ng mga suspek.

 

ARCHEMEDES PANGANDO

AYON

DISPLINA VILLAGE

MARIO REYES

REGAN BUEN

REYES

SAN FRANCISCO-NOVALICHES GANG

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with