^

Metro

Kasong perjury iniharap ni Vhong vs Roxanne at Deniece

Mer Layson at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagharap ng magkahiwalay na kasong  perjury ang actor/TV host  na si Vhong Navarro kina Deniece Cornejo, Roxanne Caba­ñero at tatlong iba pa.

Nauna nang pinagharap ng perjury ni  Navarro si  Cabañero na unang naghain ng kasong rape laban sa kanya sa Pasig City Prosecutor’s kahapon ng hapon. Naghain na rin ng counter-affidavit ang actor-TV host kaugnay sa akusasyong rape laban sa kanya ni Cabañero na sinasabing naganap umano noong Abril 24, 2010.

Maging ang nakababatang kapatid ng aktor, producer ng concert ni Vice Ganda at ilang dancers ay naghain na rin ng kanilang affidavit para igiit na kasama nila si Vhong sa Cavite simula alas-5:00 ng hapon ng Abril 24, 2010 hanggang ala-1:30 ng madaling araw ng Abril 25, 2010, kung kailan sinasabi ni Cabañero na ginahasa siya ni Vhong.

Noong nakaraang linggo, naghain na rin ng testimonya hinggil dito ang komedyanteng si Vice bago tumulak sa ibang bansa.

Kasama ni Vhong Na­varro ang abogado nitong si Atty. Alma Mallonga at ma­nager na si Direk Chito Roño.

Matapos ito ay nag­tungo naman ang grupo ng aktor­ sa tanggapan ni City Pro­secutor Atty. Edwards Togonon sa Maynila kung saan iniharap rin nito ang kasong perjury  laban naman kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at tatlong iba pa bunsod na rin ng pagsi­sinungaling sa insidente ng pambubugbog dito noong Enero 22 sa Taguig.

Sinabi ni  Vhong na  ang kanyang sinumpaan ay walang labis at walang kulang at nararapat lamang sa mga respondent na sina Cedric, Cornejo, JP Calma, Simeon Raz at Berniece Lee.

 Sinumpaan ni  Vhong  ang kanyang  complaint affidavit sa ilalim ng Art. 183  sa tanggapan ni  City Prosecutor Atty. Edward Togonon.

Nanindigan si Vhong na pawang mga kasinu­ngalingan ang  mga ipinahahayag sa TV ng lima dahil ang kanyang pahayag ay kinumpirma naman ng  CCTV na nakuha ng Forbeswoods Heights sa Taguig City noong Enero 22.

Ayon naman kay Atty. Mallonga,  dapat lamang na ipaalam sa mga  nagsisinungaling na may parusa rin ng anim na taong pagkakakulong ang sinumang magsisinungaling at gagawa ng  usapin laban sa kapwa.

Sinabi ni Mallonga na unti-unti na ring lumilitaw ang katotohanan dahil mismong ang mga  respondents ang siyang nagbubulgar ng katotohanan.

 Nabatid pa  kay  Mallonga­ na  pinag-aaralan din nila  ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa anim dahil pawang mga paninira ang  ibinunyag ng  lima laban kay Vhong.

 

ABRIL

ALMA MALLONGA

BERNIECE LEE

DENIECE CORNEJO

MALLONGA

SHY

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with