Hindi matiis ang sakit, driver nagbigti
MANILA, Philippines - Patay na nang madiskubreng nakabigti ang isang 52-anyos na driver sa loob ng kaniyang tahanan sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Danilo Ortiz, residente ng Guadalcanal St., Sta. Mesa.
Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 5:12 ng umaga nang matagpuang wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.
Huli itong nakitang buhay dakong alas-4:00 ng hapon nang dumating ito galing sa pagmamaneho.
May suicide note na iniwan ang nasawi sa kanyang kapatid na nagsasabing hindi na niya makayanan ang sakit na nararamdaman sa katawan kaya humihingi ng tawad sa ginawang pagpapakamatay.
Tumanggi naman ang mga kapatid ng biktima na sina Rene at Grace Ortiz na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng kanilang utol dahil naniniwala sila na walang naganap na foul play.
- Latest