^

Metro

Greyhound operation sa Pasay City jail, inilunsad

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa naganap na riot noong Sabado ng hapon na ikinasugat ng tatlong bilanggo, nagsagawa ng dalawang araw na  “greyhound  operation” ang pamunuan ng Pasay City Jail at nakakumpiska sila ng  mga patalim.

Sa pahayag kahapon ni  Pasay City Jail Warden Supt. Clint Russel Tangeres,  una silang nagsagawa ng inspeksiyon noong Linggo sa ikatlong palapag ng  naturang kulungan  na  dito nakaselda   ang mga miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’  at nakumpiska nila ang  11 pirasong nail cutters, 9 tin can cover, 1 samsung charger, 7 pirasong kutsara, dalawang tinidor at 10 pirasong uncut toothbrush.

Noong Lunes, alas-3:30 ng hapon ay muling nagsagawa ng sopresang inspection ang mga tauhan  ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) sa ika-apat na palapag, na dito naman nakaselda ang grupo  ng Batang City Jail (BCJ) kung saan nasamsam din ang mga matutulis na bagay na ginagamit umanong improvised weapon ng mga preso .

Ipinahayag pa ni Tangeres na nasa 186 na pirasong electric fans ang nakakabit sa buong kulungan at ito ay kanila nang tinanggal ang mga takip (steel covers) nang matuklasang ito ang sinisira ng mga preso at ginagawang patalim .

Pinasemento na rin nila ang  pintong dadaanan ng BCJ  na galing sa ika-apat na palapag at maging sa ikatlong palapag para tuwing may mga dalaw ang mga ito ay hindi nagkakabanggaan o nagkakatitigan na naging sanhi ng kanilang pag-aaway.

Pansamantala munang ipinagbawal ang dalaw ng babaeng nobya ng isang preso na isang miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik’ na naging ugat nang bangayan  ng dalawang grupo.

 Matatandaan, na noong Sabado ng hapon sugatan ang tatlong preso matapos mag-riot  ang grupo ng  ‘Sputnik ‘ at ‘BCJ’.

BATANG CITY JAIL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT PENOLOGY

CLINT RUSSEL TANGERES

NOONG LUNES

PASAY CITY JAIL

PASAY CITY JAIL WARDEN SUPT

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with