Dahil madalas ang pagkahulog ng sasakyan disenyo ng Skyway posibleng baguhin
MANILA, Philippines - Dahil sa ilang ulit na aksidente kung saan isa na namang shuttle bus ng Skyway Management ang nahulog noong Linggo ng umaga, pinaiimbestigahan at pinababago ng mga awtoridad ang disenyo ng tollway nito.
Inamin ni Julius Corpuz, spokesperson ng Toll Regulatory Board (TRB) na nakakaalarma aniya ang apat na beses nang pagkahulog ng sasakyan mula sa Skyway.
Sa pinakahuling insidente, nabatid na isang shuttle o mini bus na service ng mga kawani ng Skyway Management ang nahulog sa Skyway noong Linggo alas-5:15 ng umaga sa bahagi ng Sun Valley-Bicutan at mabuti na lamang ay bahagyang lamang nasugatan ang driver nito.
Noong Disyembre 16, 2013 ay nahulog dito ang Don Mariano Bus na ikinasawi ng 20 katao.
Dahil nga sa ilang beses ng may nahuhulog sa Skyway, pinaiimbestigahan at pinababago ang disenyo ng tollway nito at bibigyan nila ng higit na pansin ay ang kaligtasan ng mga dumaraan dito.
Sinabi ni Corpuz na kaagad nilang pinapunta para humarap sa Skyway Management ang kanilang road safety consultant na si Alberto Suansing.
“Napag-usapan nila na we have to revisit all of these incidents of falling off vehicles dito sa Skyway,†ani Corpuz.
Hinihintay ng TRB sa ngayon ang report ni Suansing hinggil dito at kahapon nga ay nakipagpulong ang TRB sa Skyway.
Sa kabila aniya na may barrier na ang Skyway at paÂgiging pasok nito sa international standards, sinabi ni Corpuz na hindi sila titigil sa ganun na lamang.
Tiniyak naman ng TRB na pag-aaralan nang maigi ang lahat ng anggulo at gagawin ang nararapat at kaukulang aksiyon para matiyak na magiging ligtas ang Skyway sa lahat ng babagtas dito.
- Latest