Establishments, iskul sa Parañaque, inobligang maglagay ng CCTV
MANILA, Philippines - Obligado nang maglagay ng closed-circuit television (CCTV) camera ang lahat ng establisimyento kabilang ang mga eskwelahan at pribadong subdivision sa lungsod ng Parañaque matapos lagdaan ni Mayor Edwin Olivarez ang ordinansang iniakda ni Councilor Jason Webb.
Nabatid na wala nang mailulusot ang mga may-ari ng establisimyento dahil ganap ng isinabatas ang paglalagay ng CCTV sa lungsod.
Ito anya ay upang makaÂtulong sa pagsugpo ng krimen at magamit ng mga imbestigador sa pagresolba ng mga ito.
“This is part of our plan to fight criminality in Parañaque, ensure peace and order in schools ang communities, ang help our law enforcement agencies in solving crimes,†ani Olivarez.
Kabilang sa mga obligado nang magkabit ng CCTV camera ay ang mga banko, shopping mall, gasolinahan, supermarket, money changer, 24-hour conÂvenience store, mga eskwelahan, uniÂbersidad, restaurant, sanglaan, car dealership, bar, spa, massage parlor at mga hotel at iba pa.
Nakalagay din sa ordiÂnansa na kailangang itago ang rekord ng kanilang CCTV sa loob ng isang taon sakaling kailanganin ito ng mga awtoridad para sa imbestigasyon ng mga krimen.
Nakasaad pa rin sa ordinansa na kasama sa requirement ang paglalagay ng CCTV camera kapag nag-apply ng business permit.
- Latest