^

Metro

Govt prosecutor, sinakal ng convicted kidnapper

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa galit matapos hatulan, sinakal ng isang convicted kidnapper ang isang government prosecutor matapos na masentensiyahan ang una ng parusang habambuhay na pagkabilanggo  na walang parole, kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Si Onofre Surat Jr., na nahatulan sa kasong kidnap for ransom ay sinakal si Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon sa leeg habang nasa labas ng Regional Trial Court branch 226, ganap na alas- 10 ng umaga.

Ayon kay Supt. Ritchie Claraval, hepe ng Quezon City hall detachment, sa kabila na ang mga kamay ni Surat ay nakaposas nagawa pa rin nitong atakehin si Fadullon na siyang natatanging prosecutor sa kaso.

Dagdag ni Claraval, agad namang naawat ng mga jail guards si Surat saka inilayo mula kay Fadullon.

Sabi naman ni Insp. Melchor Oca, si Fadullon ay dinala sa ospital para sa medical examination.

Habang si Surat naman ay iniskortan na ng mga jail guards patungo sa kanyang destinasyon.

Si Surat ay sangkot sa kasong pagkidnap at pagpatay kay Mark Harris Bacalla, anak ni dating QC- RTC Judge Marciano Bacalla.

 Alas-10:30 ng umaga kahapon nang hatulan ni QC RTC  Judge  branch 226 Manuel Sta. Cruz Jr.  si Surat .

 

vuukle comment

CRUZ JR.

FADULLON

JUDGE MARCIANO BACALLA

MANUEL STA

MARK HARRIS BACALLA

MELCHOR OCA

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT

RITCHIE CLARAVAL

SENIOR DEPUTY STATE PROSECUTOR RICHARD ANTHONY FADULLON

SI ONOFRE SURAT JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with