^

Metro

Mister utas sa misis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang saksakin ito ng kanyang misis kamakalawa sa Caloocan City. Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hos­pital sanhi ng saksak sa dibdib ang biktimang si Benigno De Pedro, 30, nakatira sa Phase 1 Bagong Silang ng naturang lungsod.

Base sa pahayag sa Caloocan City Police ng anak ng mag-asawa na si Nicole, 10, alas-4:15 ng hapon  ay nagtalo ang kanyang mga magulang sa loob ng kanilang bahay. Hindi binanggit ang pangalan ng suspect na ginang.

Sa kainitan ng away ay dito niya nakita na kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na umalis ng bahay ang suspek habang dinala naman sa naturang ospital  ang biktima pero hindi na pinalad na mabuhay.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BAHAY

BENIGNO DE PEDRO

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JOSE RODRIGUEZ HOS

MATAPOS

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with