Shootout: 2 miyembro ng ‘Estribo gang’ utas
MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong miyembro ng kilabot na ‘Estribo gang’ ang nasawi makaraang makiÂpagpalitan ng putok sa mga awtoridad, ilang segundo matapos holdapin ang isang pampasaherong jeepney sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang isa sa nasawing suspek sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Leonardo Alvarez Jr., ng Sta. Cruz, Manila, habang inalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasamahan nito. Positibo rin silang kinilala ng kanilang mga nabiktima.
Narekober din sa mga suspek ang isang Alcatel mobile phone at cash money na P2,695 at isa pang Nokia cellÂphone at cash na P1,600 mula sa kanilang naging biktima.
Ang mga suspek ay nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa tropa ng mobile patrol unit ng Police Station 11 na sina PO3 Michael Soriano, at PO2 Aslimar Pajardo.
Nangyari ang insiÂdente sa harap ng isang bahay sa Quezon Avenue, Brgy. Tatalon, ganap na ala-1:10 ng madaling-araw.
Nabatid na nagpanggap na pasahero ang mga suspect at sumakay sa jeep na minaÂmaneho ni Francisco Jarliga at pagsapit sa may Banawe sa Quezon Avenue ay doon nagdeklara ng holdap kung saan kinulimbat ang mga gamit ng mga pasahero.
Tiyempong nagpaÂpatrulya ang mobile car ng dalawang pulis sa lugar at napuna ang komosyon sa jeepney dahilan para sundan nila ito.
Nang huminto ang jeepney, biglang nagpulasan pababa ang mga suspek saka piÂnaputukan umano ang mga pulis dahilan para pagbabarilin na sila ng mga huli na kanilang ikinasawi, habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan.
Narekober din sa lugar ang isang kaÂlibre 38 baril at isang kaÂlibre 22 na baril na may mga lamang bala, at 21 basyo pa ng bala ng kalibre 9mm, kaÂlibre 45.
- Latest