^

Metro

56-anyos na checker tigok sa suntok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 56-anyos na checker  nang suntukin ng isang kargador na kaniyang pinag-initan, sa Pier 18, Vitas, North Harbor, Tondo, Maynila, kamakalawa ng  gabi.

Hindi na naisalba pa sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si  Gonzalo Laparan, checker  ng Vitas Port Arrastre Corporation.

Hawak naman ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si  Raymund Dela Rosa, 30, pahinante at residente ng no. 274 Simeon de Jesus, San Rafael Village, Navotas.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, dakong alas 7:46 kamakalawa ng gabi,   nang maganap ang insidente sa loob ng Pier 18.

Nag-ugat umano ang panununtok ng suspek sa biktima nang magtanong  ang una kung saan kukunin yung mga  bubuhating produkto na ikakarga sa kanilang truck.  Pero masungit umano ang huli sa pagsagot na ”antagal-tagal mo na rito hindi mo pa alam kung saan.”

Nang mangatwiran ang suspek na “ first time ko lang dito kaya hindi ko pa alam” ay napikon at nagmumura na umano ang biktima kaya tinalikuran at nagpasyang bumalik sa nakaparada nilang truck subalit sinundan pa siya at sinuntok sa likod .

Muli umanong minura ng biktima ang suspek at tila naghahamon sa masasakit na salita kaya pinatulan umano ng suspek at sinapak  sa panga na ikinabagsak ng una sa sementadong kalsada.

Patihaya ang pagbagsak kaya nabagok umano ang ulo bagamat nakatayo pa ito ay nagsuka naman  na may kasamang dugo.

Dinala siya sa pagamutan subalit kahapon ng umaga bandang alas 10:45 ay  idineklarang patay bunga umano ng namuong dugo sa ulo, ayon sa mga doktor.

 

DINALA

GONZALO LAPARAN

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NORTH HARBOR

RAYMUND DELA ROSA

SAN RAFAEL VILLAGE

VITAS PORT ARRASTRE CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with