^

Metro

42-anyos tigok sa sinturon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi inakala ng isang 42-anyos na lalaki  na sinturon ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang dalawang beses  na undayan ng saksak  dahil sa  sinturon ng isang tambay sa terminal ng bus, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ang biktimang si Romeo Villanueva, walang asawa, ng Far East Village, Marcos Highway, Antipolo City. Tumakas agad ang suspek na kilala sa alyas “Ricky”, tambay, kakilala ng biktima.         

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:30 ng madaling-araw  nang maganap ang insidente sa harapan ng Grand Opera Hotel & Casino sa Doroteo Jose, malapit sa panulukan ng Avenida Rizal sa Sta.Cruz, Maynila.

Bumisita lamang umano sa lugar ang biktima at nakasama pang mag-videoke ang isang Gaudencio Calisi, nang mamataan ang suspek at naisipang bawiin sa huli ang hiniram na sinturon.

Ayaw umanong isauli ng suspek ang sinturon at sa halip ay bumunot ng patalim at inundayan ng dalawang ulit sa tiyan ang biktima.

Nagtangka pang umawat ni Calisi subalit siya man ay tinangka r ing saksakin ng suspek kaya nagtatakbo na lamang habang ang biktima na duguan ay tuluyang humandusay sa kalye. Nang naitumba na ang biktima ay mabilis na umalis umano ang suspek.

 

ANTIPOLO CITY

AVENIDA RIZAL

CRUZ

DOROTEO JOSE

FAR EAST VILLAGE

GAUDENCIO CALISI

GRAND OPERA HOTEL

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with