^

Metro

Ordinansa sa ospital: Manilenyo prayoridad ko! – Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang  sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na prayoridad niya ang  kapakanan ng mga Manilenyo kung kaya’t mahigpit ang kanilang pagpapatupad  ng bagong patakaran sa mga ospital.

Batay sa bagong ordi­nansa  bilang 8331, tanging ang libre lamang sa mga ospital sa lungsod ay  ang mga mahihirap.

Paliwanag ni Es­trada, kadalasang  hindi na na­bi­bigyan ng gamot at me­­dical assistance ang Manilenyo dahil naibibigay na ito sa mga pasyente na hindi naman­ taga-Maynila.

Aniya, mas dapat niyang unahin ang mga residente ng lungsod na nagtiwala sa kanya at sumuporta sa kanyang  kakayahan na mapabago ang  Maynila.

Binigyan diin din  ni Estrada  na marami sa mga pasyenteng nagpupunta sa mga ospital sa Maynila  ay hindi tagalungsod.

Giit ni Estrada, pinagbabayad din naman ng mga ibang lungsod ang hindi nila taga-lungsod kung kaya’t dapat lang na ipatupad ang  bagong ordinansa.

“Libre ’yan para sa mga taga-Maynila, yung mga mahihirap sa Maynila. Pero kung hindi taga-Maynila magbabayad na sila,”  ani Estrada.

Kabilang sa mga ospital na  kailangan ng magbayad ang hindi Manilenyo ay ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; Justice Jose Abad Santos General­ Hospital; Sampaloc Hospital; Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital­.

Sa Marso naman ipa­tu­tupad ng Tondo Hos­pital ang paniningil.

ANA HOSPITAL

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILENYO

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with