^

Metro

Parking boy patay sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang parking attendant­ ang patay makaraang pagsasaksakin sa dibdib ng hindi nakikilalang salarin habang umiihi sa madilim na bakanteng lote sa lungsod Quezon kamakalawa.

Si Ramon Dy, 25, ng Kaingin 2, Area Ibaba, Brgy. Pansol ay nagawa pang ma­itakbo sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa may bakanteng lote malapit sa UP College of Law building UP campus, Diliman, ganap na alas-8:25 ng gabi.

Sabi ng live-in partner ng biktima na si Esperanza Sevillo, umiihi umano ang kinakasama sa nasabing lugar nang marinig niyang tumatawag ito at nag­sabing sinaksak siya ng hindi nakikilalang suspek.

Nang makita ni Sevillo na duguan ang biktima, agad siyang humingi ng tulong sa ilang residente sa lugar at isinugod ang huli sa East Avenue Medical Center pero hindi na rin ito umabot ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng oto­ridad sa na­turang insidente.

 

AREA IBABA

AYON

BRGY

COLLEGE OF LAW

DILIMAN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ESPERANZA SEVILLO

ISANG

SI RAMON DY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with