Foreign fugitives minamanmanan ng BI
MANILA, Philippines - Mahigpit ang isinasagawang monitoring ng Bureau of Immigration sa foreign fugitives na nasa bansa kasunod ng pagkakadakip sa isang Amerikano na wanted sa kasong panggagahasa sa Estados Unidos.
Ayon kay Immigration Commissioner Siegfred Mison, two counts ng kasong rape ang kinahaharap ni Phillip Vaughn Cox, 53. Isang menor de edad ang biktima ni Cox.
Sinabi ni Mison na si Cox ay nadakip sa pinagsanib na puwersa ng BI’s Fugitive Search Unit at ng pulisya sa Brgy. Pagdalagan Sur, Bauang, La Union dakong alas-11 ng umaga noong Huwebes.
Paliwanag ni Mison, ilan sa mga fugitives ay pumasok ng bansa bilang tourist subalit dahil sa pagkakaroon ng kaso maituturing itong “undesirable aliens†kung kaya’t dapat lamang na agad na mapabalik sa Amerika.
Sa bisa ng warrant of arrest, sinalakay ng mga awtoridad ang pinagtataguan ni Cox kung saan kilala ito ng kanyang mga kapitbahay bilang si “Patrickâ€.
Subalit ng tignan ang drivers license nito nakumpirma na si “Patrick†at Cox ay iisa.
Kasalukuyang nasa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig City si Cox habang hinihintay ang kanyang deportation.
- Latest