^

Metro

Maynila paliliwanagin sa gabi ng solar powered LED lights

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang liliwanag kahit na sa gabi ang  lungsod ng Maynila  bunsod na rin ng  patuloy na paglalagay ng   solar-powered LED lights sa iba’t ibang bahagi ng  lungsod.

Kamakalawa ay 50  pirasong solar-powered LED street lights ang sinimulang  ilagay sa kahabaan ng  España mula Antipolo St. hanggang Rotonda.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, ang mga inilagay na LED street lights ay bahagi ng 10,000 units na donasyon ng Global Gold Goal Inc. (GGGI) matapos ang isang memorandum of agreement noong September, 2013.

Noong nakaraang  buwan ay nilagyan na rin  ng 10 solar-powered LED street lights ang   Raja Soliman sa Roxas Boule­vard na malaking tulong sa publiko at motorista.

Ang mga street lights  ay mayroon ding CCTV at led digital signboard na nagkakahalaga ng  P200,000 na tatagal ng  50 taon. Inaasahan na matatapos ang paglalagay ng 10,000 solar-powered street lights sa anim na distrito sa taong ito kung saan inaasahan din na makatitipid ang city government ng P18-milyon kada buwan o P400-milyon taun-taon.

Dahil dito, sinabi ni Estrada na magagamit pa sa ibang pro­yekto ang  matitipid na bill sa Meralco kung saan makikinabang  ang mga Manileño. Wala ring gastos ang city government sa paglalagay ng mga nasabing street lights.

ANTIPOLO ST.

AYON

GLOBAL GOLD GOAL INC

LIGHTS

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

RAJA SOLIMAN

ROXAS BOULE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with