Pumatay sa mag-inang carnapper, kalabang sindikato - QCPD
MANILA, Philippines - Posibleng kalabang grupo ng Mac Lester Reyes Carnapping Group ang lumikida sa mag-inang sangkot sa carnapping sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Ito ang sinabi ni Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr., hepe ng Quezon City Police District’s Anti-Carnapping Unit (ANCAR) bunsod umano sa pagiging aktibo ng kanilang grupo sa pagtangay ng saÂsakÂyan sa Metro Manila.
Si Jasmin Reyes, 37; at anak na Mark Joseph, 19, ay pinaslang ng riding in tandem suspect habang sakay ng isang taxi sa kahabaan ng Elliptical Road, lungsod Quezon matapos na dumalo sa court hearing sa kinasaÂsangkutan nilang kasong carnapping.
Ang mag-ina ay miyembro ng Mac Lester Reyes carnapping group na pinamumunuan ng asawa ni Jasmin na si Mac Lester.Dahil dito, si Mac Lester ay tinaguriang “Carnap King†habang si Jasmin ay “Reyna†at “ Prinsipe†naman ang kanilang anak na si Mark Joseph.
Sa pagkamatay anya ng mag-ina, tinutukoy nila na maaring may ibang grupo ang kumikilos para sila paslangin dahil maaring hadlang sila sa kilos ng mga ito. Dagdag ni Lorenzo, sa Quezon City lamang anya ay may limang nakabinbing kasong carnapping at illegal firearms possession si Mark Joseph.
Partikular anya dito ay noong August 2011 kung saan 16 anyos pa lamang si Mark Joseph, at si Jasmin ay nadakip dahil sa pagtangay sa itim na Toyota Fortuner (NOG-594) ni Social Security System (SSS) Vice President Alfredo Villasanta.
Bukod pa dito ang pagÂdakip sa mag-ina sa kanilang warehouse sa Baliwag, Bulacan nitong nakaraang taon matapos ang pagsalakay na ginawa ng Highway Patrol Group (HPG), QC Ancar, at Bulacan Police. Dito ay narekober ang 12 nakaw na sasakyan.
Ayon pa kay Lorenzo, sinampahan ng HPG ang mag-ina ng nine counts of carnapping pero nagawang makapag-piyansa.
Bukod sa Baliwag, naÂsabat din ng otoridad ang daÂlawa pang hideout ng mga ito sa Valenzuela City at Marilao, Bulacan.
Base sa research ng ANCARÂ, sabi ni Lorenzo ang grupo ay sangkot sa carjacking simula 2012 pero nagpalit ng kanilang modus operandi sa pamamagitan ng pagtangay sa mga nakaparadang sasakyan simula noong taong 2013.
Naniniwala si Lorenzo na nagdesisyon ang grupo na magpalit ng taktika dahil namumukhaan na sila ng kanilang mga biktima.
Simula noon, hindi na nakita ang presensiya ni Mark Lester sa mga carnapping at carjacking incident dahil sabi ni Lorenzo ay maaring sa ipinalabas na warrant of arrest laban sa kanya na may kaugnayan sa kasong illegal possession of explosives kung saan wala itong piyansa.
Samantala, ayon kay InsÂpector Elmer Monsalve, homicide investigation chief of the QCPD’s Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), lumutang naman sa kanyang tanggapan ang babaeng kasama ng mag-ina bago ang nasabing pamamaslang.
Maalalang sinabi ni Jun Gobis, 49, driver ng Valentino taxi (UVC-167) na isinakay niya ang mga biktima kasama ang isa pang babae sa Hall of Justice building sa Quezon City Hall complex kung saan sila dumalo sa court hearing at Regional Trial Court (RTC) Branch 94 para sa kasong carnapping. Agad ding bumaba ang kasama nilang babae pagsapit sa kahabaan ng Kalayaan Avenue.
Kinilala ni Monsalve ang babae na si Judilyn Shidara, pinsan ni Jasmin na nagtungo sa CIDU ganap na alas-4:44 ng hapon, para kilalanin ang mga biktima.
Sinabi ni Shidara na habang sila ay sakay ng taksi ay biglang naalala ni Jasmin na naiwan nito ang kanyang cellphone at wallet sa isang Ate Tess ng RTC Branch 86.Dahil dito, sabi ni Shidara ay inutusan siya na kunin ang nasabing mga gamit kung kaya nagpasya siyang bumaba.
Sabi pa ni Monsalve, dahil nagmamadali na ang mga biktima, sinabihan umano ni Jasmin ang pinsan na mauna na lang at magkita na lang sila sa Mercury sa Monumento.
Ayon pa kay Shidara, nasa bahay na siya nang marinig ang balitang nagkaroon ng insidente ng barilan sa Quezon City. Sa hinalang may nangyari, agad na bumalik si Shidara sa Quezon City para itsek sa pulisya ang insidente.
“Kung kasama si Shidara ng mga biktima, maaring pati siya ay napatay din,†pagtatapos ni Monsalve.
- Latest