^

Metro

Facebook cybersex den buking sa QC!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilusob ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang kompanya na hinihinalang napapatakbo ng cybersex sa pamamagitan ng Facebook sa Quezon City.

Dalawampu’t-isang kalalakihan ang nadakip matapos ang raid ng NBI sa Netuwako Call Center sa Novaliches at PA Microsource Incorporated sa Congressional Avenue.

Nagkukunwaring call center ang dalawang opisina upang hindi mahalata ang kanilang illegal na operasyon.

Nakumpiska ang mga computer na ginagamit umano sa illegal na operasyon na magsisilbing ebidensya laban sa mga suspek.

Kaugnay na balita: Call center na cyber sex den nabuking ng NBI

Kumikita ang mga suspek ng P400 hanggang P500 sa paggawa ng pekeng profile sa Facebook at e-mail kung saan nagkukunwari silang mga babae.

Aaikitin ng mga suspek ang kanilang mga kliyente sa Facebook na mag-sign up sa mga malalaswang web site na mayroong child pornography.

Kinasuhan na ng NBI ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Child Pornography Act.

Nitong nakaraang buwan lamang ay may sinugod din ang mga awtoridad na sex den sa Quezon City.

 

AAIKITIN

ANTI-CHILD PORNOGRAPHY ACT

CONGRESSIONAL AVENUE

DALAWAMPU

FACEBOOK

MICROSOURCE INCORPORATED

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NETUWAKO CALL CENTER

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with