P4.4-M lotto jackpot nakopo ng taga-Bukidnon
MANILA, Philippines - Nangutang lamang ng pamasahe ang 44-anyos na mister mula sa Bukidnon upang kubrahin ang napanalunang kalahati ng P8 milyong jackpot prize sa 6/42 lotto na binola noong Pebrero 8 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.
Nabatid kay PCSO GeÂneral Manager Ferdinand Rojas II, mistulang drama sa pelikula ang buhay ng laÂlaking nagwagi dahil bukod sa nilayasan ng asawa makaraang masibak sa trabaho sa pribadong farmland, iniwan pa sa kanya ng misis ang kanilang mga anak.
Sa kabila ng pagtatrabaho bilang extra sa mga construction site, nagawa pa ring tumaya sa lotto ng mister hanggang sa masapol niya ang kombinasyong 06-09-11-16-19-22 mula sa itinayang P40 kung saan ibinatay niya ang mga numero sa kapanganakan ng kanyang mga anak at sa kanyang kaarawan.
Plano ng nagwaging mister na bumili ng sariling bahay at lupa sa kanilang lalawigan at ang bahagi ng P4,488,270 na kalahati ng kabuuang premyong P8,976,540 ay gawing puhunan para sa maliit na negosyo.
Nauna ng kinubra ng waitress mula sa Quezon City ang kalahati ng kabuÂuang premyo matapos taÂmaan din ang tamang kombinasyon.
- Latest