Kontra trapik: Ferry sa Pasig river dapat buhayin!
MANILA, Philippines – Ang Pasig river ferry system ang nakikita ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na makalulutas sa problema ng publiko kung paano maiwasan ang matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Sinabi ni Recto ngayong Lunes na dapat ay gamitin ni Aquio ang kanyang “assorted standby funds†upang mabuksang muli ang ferry system na inilarawan niya bilang "just outside the windows of Malacañang."
"[W]e should now utilize this nautical road. It is toll-free and ready to use," pahayag ng senador dahil sa sisimulang 15 proyekto ng gobyero sa Metro Manila kabilang ang pagdudugtong ng South at North Luzon Expressway.
Itinigil ang operasyon ng Pasig river ferry system noong 2011 dahil sa mababang bilang ng mga sumasakay at navigational hazards.
May habang 15 kilometro ang noo’y tinatakbo ng mga ferry at tumitigil sa 17 stasyon sa pagitan ng Plaza Mexico sa Intramuros, Manila at Nagpayong sa Pasig City.
Sinabi na rin ni Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na plano nilang buhayin ang Pasig River ferry system.
"We mentioned that the river ferry must be revived, soonest," banggit ni Tolentino sa isang panayam sa telebisyon. "What we intend to do is utilize smaller boats, 20 passengers, similar to your river taxis."
Sinabi ni Recto na maaaring manggaling ang pondo sa P1-billion Contingent Fund at P140-billion Unprogrammed Fund sa 2014 national budget.
- Latest