^

Metro

SUV vs PUJ: 2 patay, 3 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay habang tatlo pa ang suga­tan, sa pagsalpok ng isang Sports Utility Vehicle sa isang Public Utility Jeepney sa lungsod Quezon kaha­pon ng mada­ling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 3, nakilala ang mga nasawi na sina Jamel Pacasong Dilanga, at Ren Joseph Garcia habang ang mga sugatan ay sina Jonathan Reyes, driver ng SUV, at mga pasaherong sina Leonardo Mi­guel at Carlos­ Salazar.

Ang sangkot na mga sa­sakyan ay isang pampa­saherong jeep (UWG-980) na minamaneho ni Wendel Mandalihan, at isang Ford Escape (XWI-898) na minamaneho ni Reyes.

Ayon sa imbestigador na si PO3 Renato Sunga, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Avenue, harap ng Mini Stop malapit sa City Bank sa Eastwood, Brgy. Bagong Ba­yan, ganap na alas-3:50 ng madaling-araw.

Sinasabing binabagtas ni Mandalihan ang nasa­bing kalye nang tumabi ito para ibaba ang pasaherong si Dilanga.

Mula dito, biglang su­mul­pot ang SUV at direktang tinumbok ang hu­­li­hang bahagi ng PUJ dahilan para masapol si Dilanga at magtamo ng matinding injury sa kata­wan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa lakas ng impact, nag­kayupi-yupi ang una­hang bahagi ng SUV sanhi para maipit din ang isa sa mga sakay nito na si Garcia­ at masawi, habang sugatan naman ang tatlong kasama nitong sina Miguel, Salazar at ang driver na si Reyes.

Ayon pa kay Sunga, bukod sa mga nasabing sasak­yan nadamay din sa banggaan ang dalawang PUJs.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa na­sabing insidente.

 

AYON

BAGONG BA

CITY BANK

DILANGA

FORD ESCAPE

JAMEL PACASONG DILANGA

JONATHAN REYES

LEONARDO MI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with