71-anyos na lolo natagpuang patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang 71-anyos na lolo nang matagpuan itong laslas ang leeg sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City kahapon.
Nakilala ang biktima na si Antonio Rodriguez, ng T. Santiago St., Brgy. Lingunan ng naturang lungsod.
Nagsasagawa pa ng follow-up ang Valenzuela City Police hinggil sa insidente at inaalam pa nila kung sino ang reponsable sa krimen.
Base sa ulat na nakaÂrating sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City PoÂlice, alas-9:45 ng umaga, daÂdalhan sana ng pagkain ang biktima ng kasambahay na si Danica Ann Gonzales, na nagtatrabaho sa canteen sa harap lamang ng bahay ng nasawi.
Subalit laking gulat ni Gonzales nang makitang nakahandusay ang biktima, na puno ng dugo ang kaÂtawan habang laslas ang leeg at wala nang buhay.
Agad na sinabi ni GonÂzales sa kanyang amo ang insidente at kaagad namang ipinagbigay-alam sa mga pulis ang nangyaring krimen.
Nagsasagawa pa ng imbesÂÂtigasyoÂn ang pulisya hingÂgil sa insidente.
- Latest