Valentine Village bubuksan sa Taguig
MANILA, Philippines - Mahigit 2,000 couples ang uulitin ngayong Araw ng mga Puso sa kanilang binitiwang pangako ng pag-iibigan sa isa’t isa noong araw na sila ay ikinasal.
Gagawin ang seremonya kasabay sa pabubukas sa publiko ng kauna-unahang Valentine Village na matatagpuan sa C-6 Road sa Lower Bicutan Taguig City na pangungunahan nina Mayor Lani Cayetano at ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano. Ang mga kalahok sa aktibidad ay ang 2,256 na couples na ang mismong nagkasal ay si Mayor Lani mula nang manungkulan siya bilang alkalde noong 2010.
Ang gaganaping special event na pangungunahan ng City Civil Registry Office ay ang kauna-unahan sa bansa kung saan magtitipun-tipon ang mga pareha na ikinasal ng siya ring opisyal na nagkasal sa kanila.
“Ang Valentine’s Day ay ang perpektong araw para ulitin ang ipinangakong pag-iibigan at muling tiyakin ang kanilang pag-iibigan sa isa’t isa. Paraan ito ng lokal na pamahalaan para panatilihing matatag ang ating pamilya na siyang basic unit ng ating lipunan,†pahayag ni Mayor Lani. Ipinaliwanag ni Mayor Lani na akmang-akma rin ang lugar ng kauna-unahang Valentine Village dahil sa romantic setting nito.
Magsisilbing panibagong atraksyon sa mga Taguigueno ang Valentine Village lalo’t mayroon itong naggagandahang ilaw at musikang makatutulong para maging romantiko at masaya ang kapaligiran na napapanahon ngayong Araw ng mga Puso.
- Latest