^

Metro

Buko vendor itinumba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril sa ulo at namatay noon din  ang  isang vendor habang nagtutulak ng kanyang kariton sa Batasan Hills, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jerry Alario, 40, buko vendor ng Lower Jasmin, Brgy. Payatas,QC.

Ayon kay PO2 Jayson Tolentino ng Quezon City Police District-Station 6  naganap ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, cor. Kalayaan, Brgy. Batasan Hills, sa lungsod dakong alas-6:45 ng umaga.

Sinasabing noong panahong iyon, habang nagtutulak ng kanyang kariton na may lamang panindang  buko ang biktima nang biglang lapitan ng hindi pa kilalang suspek at  walang sabi sabing binaril sa ulo ang biktima.

Nang makitang humandusay sa kalye ang biktima, agad namang tumakas ang suspek sa lugar. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

 

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BINARIL

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

JAYSON TOLENTINO

JERRY ALARIO

LOWER JASMIN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with