^

Metro

Paralisadong ginang, hinalay ng anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang  21-anyos na adik matapos umano nitong gahasain ang sariling ina na paralisado, kamakailan sa Taguig City.

Ayon sa Taguig City Police, hindi muna nila pinababanggit ang pangalan ng suspek upang ma-protektahan ang pagkakakilanlan ng  biktima  at kahapon nga ay isinampa na nila ang kasong incest rape sa naturang suspek.

Sa pahayag ng 39-anyos na ginang kay PO3 Cynthia Nanggan, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police­, naganap aniya ang pang­hahalay sa kanya ng sariling anak pasado alas-9:00 ng gabi  noong Biyernes, Peb­rero 7 ng taong kasalukuyan sa loob ng kanilang tirahan sa Creekland, Brgy. Hagonoy ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigas­yon na nag-inuman ang mag-ina sa loob ng bahay nang magpasya ang suspek na gumamit ng shabu makaraang makaubos ng ilang bote ng beer.

Habang lango sa ipinagbabawal na droga, pinasok ng suspek sa silid ang ina, binusalan ang bibig at saka hinalay.

Hindi umano makapan­laban ang ginang dahil para­li­sado na ang kalahati ng ka­tawan matapos ma-stroke.

Matapos ang pangha­halay, nagtatakbong palabas ang suspek habang nakapagsumbong naman ang biktima sa barangay hanggang madakip ng mga Barangay Security Force sa pangu­nguna ni Ronelo Laraya ang una sa Barangay Central Signal ng  naturang siyudad.

vuukle comment

BARANGAY CENTRAL SIGNAL

BARANGAY SECURITY FORCE

CYNTHIA NANGGAN

PROTECTION DESK

RONELO LARAYA

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with