^

Metro

2 pang biktima ng salvage natagpuan

Ricky Tulipat at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang na­tagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon at sa Maynila kahapon.

Sa Quezon City, ayon kay PO3 Hermogenes Capili, walang nakuhang pagkaka­kilanlan sa na­tagpuang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa dibdib at may bakas ng pananakal.

Isinalarawan ito sa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’6’’, may kapayatan, na­kasuot ng t-shirt na kulay puti at may marka na tattoo na tribal sa kanang kamay.

Ang bangkay ay nadis­kubre ng isang Alfredo Berdal Jr., isang tricycle driver sa may kahabaan ng Apollo St., corner E. Pasto St., Brgy. Del Monte sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa dibdib, bukod pa ang bakas ng pananakal sa kanyang leeg.

Ayon kay Capili, tulad ng ibang bangkay na nata­tagpuan sa lungsod, iisa lamang ang naging estilo ng pagpatay, pero maaaring sa ibang lugar ginawa ang krimen at doon lamang sa lungsod itinapon para iligaw ang mga awtoridad sa imbestigasyon.

Sa Maynila, nakabalot ng packing tape ang ulo at may tama ng bala sa sentido nang matagpuan ang isang hindi pa nakilalang lalaki na isinilid sa isang karton at hinihinalang biktima rin ng salvage kahapon ng madaling-araw.

Sa report  ni SPO3 Glenzor Vallejo, dakong alas- 4:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na isinalarawan na  nasa edad 35-40, may taas na 5’6’’, mataba, malapit sa Federal Land Showroom Pavilion, Numancia St., Bi­nondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, nagpa­patrulya ang mga tanod ng Brgy. 282 Zone 26  ganap na alas-3 ng madaling-araw nang may dumaang Isuzu Elf at huminto sa madilim na bahagi sa nasabing lugar.

Makalipas ang  isang oras ay muling umikot ang mga tanod at dito na nila na­pansin ang mga patak ng dugo sa sementadong da­anan pa­tungo sa kinaroroonan ng isang karton kung saan unang pumarada ang nasabing sasakyan na nang buksan ay bumulaga ang bangkay ng biktima.

Dahil dito, agad na ini­report ang pangyayari sa San Nicolas Police Community Precinct at sa Meisic Police Station 11 upang ito ay maimbestigahan.

Ayon kay Vallejo, biktima ng summary execution ang biktima na posibleng pinatay sa ibang lugar at itinapon na lamang sa Binondo.

ALFREDO BERDAL JR.

APOLLO ST.

AYON

BIKTIMA

BRGY

DEL MONTE

FEDERAL LAND SHOWROOM PAVILION

GLENZOR VALLEJO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with