Sekyu dinedo ng kapwa sekyu
MANILA, Philippines - Utas ang isang guwardya habang sugatan ang isang pahinante nang pagbabarilin ng isa ring sekyu makaraang maghinala ang huli na sinisiraan siya ng mga biktima sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang guwardiyang si Saturnino Barcenal Jr., ng New Manila, Quezon City.
Ginagamot naman sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si alyas Jonathan.
Sumuko naman sa mga pulis si Roy Padayanan, 36, ng Ponce St., Bagong Barrio ng naturang lungsodÂ.
Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-10:15 ng umaÂga, nakatayo ang nasawi sa parking area ng Aqua Sweet Mineral Water sa M.H. Del Pilar St., sa pagitan ng 8th at 9th Avenue ng naturang lungsod nang laÂpitan at putukan ng suspek.
Naglakad papalayo ang suspek at nang madaanan si Jonathan ay pinutukan din bago sumuko sa mga pulis.
Lumalabas na pinaghihinalaan ng suspek na sinisiraan siya ng mga biktima sa mga kasamahang babae na naging dahilan upang magalit at barilin ang mga ito.
- Latest