3 salvage victim natagpuan sa Muntinlupa
MANILA, Philippines - Tatlong bangkay ng hindÂi pa nakikilalang mga lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang naÂtagpuan kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima, na tinatayang ang mga edad ay nasa 18 hanggang 25-anyos, pawang may mga tattoo, ang dalawa nito ay naka t-shirt ng blue at pulang short, nakatali ang mga kamay at paa ng metal wire at may mga tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Ayon sa imbetigasyon ni SPO3 Roberto Pareno, ng Station Investigation DiÂvision Branch (SIB), Muntinlupa City Police, nakatanggap sila ng tawag sa telepono, na tatlong bangÂkay ng kalalakihan ang natagpuan ng mga residente sa Biazon Road, NHA, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.
Inilagak ang mga bangkay ng biktima sa Benson Funeral Parlor para i-autopsy, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.
- Latest