^

Metro

7 ‘Termite’ kinasuhan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon  ng mga kasong attempted robbery, alarm and scandal at destruction of government properties ng pulisya ang pitong  miyembro ng ‘Termite gang’ na nagtangkang manloob sa mga pawnshop  sa pamamagitan ng pagdaan sa imburnal noong Miyerkules  sa Pasay City.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ng pulisya sa Pasay City Prosecutors Office ang mga suspek na sina Mark Campus, 29; Florentino Manuel Jr., 33; magkapatid na Rodrigo, 27 at Rolando Yumul, 33,; Armando Leo­nardo Jr., 32;  Marlito Segura, 32, at Marlon Zafe, 38, na pawang mga taga Pasay  at nakakulong ngayon  sa detention cell ng Pasay City Police.

Nabatid  kay Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police,  mismong kawani ng Magdalena Pawnshop, na matatagpuan  sa panulukan  ng Libertad at Decena Sts. na si Moises Villamor  ang nakakita sa ginagawang paghuhukay ng mga suspek sa imburnal nang lumusong siya rito  alas-11:30 ng umaga matapos mapuna ang pag-uga ng se­mento sa gilid ng naturang establisimiyento.

Kaagad na ipinabatid ni Villamor sa pulisya ang na­tuklasan kaya’t nang mag­responde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT), pinaligiran nila ang lugar, pati na ang dulo ng imburnal sa Tripa de Galina kung saan posibleng dumaan ang mga suspek sa kanilang pagtakas.

Sa kabila ng ginawang pagkumbinsi ng pulisya sa mga suspek na sumuko, nagmatigas pa ang mga ito kaya’t napuwersa ang kapulisan na humingi ng ayuda sa engineering department ng Pasay City Hall Office  at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabuksan ang ma­laking takip ng imburnal.

Matapos ang halos pitong oras na pagtugis,  alas-6:00 na ng gabi nang lumabas sa imburnal at sumuko ang mga suspek mula sa drainage ng Tripa de Galina matapos na makuha sa binuksang imburnal ang mga kagamitan na ginagamit nila sa paghuhukay.

Ayon sa pulisya, hindi lamang ang Magdalena Pawnshop ang target ng mga suspek dahil nadiskubre rin ng engineering team ng city hall ang mga tiniktik ng semento na patungo rin sa Ochoa Pawnshop, Megatrend Pawnshop, Security Bank at Ablaza Pawnshop na nasa hilera lamang ng Libertad St., ng naturang lungsod.

ABLAZA PAWNSHOP

ARMANDO LEO

DECENA STS

FLORENCIO ORTILLA

FLORENTINO MANUEL JR.

MAGDALENA PAWNSHOP

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with