^

Metro

10 Koreano arestado sa online gambling

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga operatiba ng PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Cyber Response team ang  operasyon ng online gambling kasunod ng pagkakaaresto sa sampung Koreano na  operator nito sa serye ng raid sa Fort Bonifacio Global City, Taguig, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Sr. Supt. Gilbert Sosa,  director ng PNP Anti-Cybercrime Group, ikinasa  ang operasyon matapos na humi­ling ang International Criminal Police Organization, INTERPOL South Korea na tulungan silang matunton ang kinaroroonan ng mga suspect na kanilang nalamang nagtatago dito sa Pilipinas.
Kinilala ni Sosa  ang 2 sa mga naarestong suspect na sina Lee Youn Ju at  Jin Ho Lee habang ang iba pa ay patuloy na iniimbestigahan dahilan hirap ang mga itong makaintindi ng salitang English na kailangan pa ng interpreter.

Bandang alas-11 ng umaga kamakalawa ng mag-umpisa sa serye ng operasyon ang PNP-ACG sa ilang units sa isang  condominium sa Fort Bonifacio Global City, Taguig.

Dinakip ang naturang mga Korean operators sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 56 Acting Presiding Judge Raineda Estancia Montesa kaugnay ng paglabag ng mga suspect sa kasong Section 9 sa ilalim ng Republic Act 8484 ( Access Devices Regulation Act of 1998). Nasamsam mula  sa mga ito ang iba’t ibang klase ng passbook, sari-saring  mobile phones, ID laptop at iba pang mga kagamitan sa pag-ooperate ng illegal online games.

ACCESS DEVICES REGULATION ACT

ACTING PRESIDING JUDGE RAINEDA ESTANCIA MONTESA

ANTI CYBERCRIME GROUP

ANTI-CYBERCRIME GROUP

CYBER RESPONSE

FORT BONIFACIO GLOBAL CITY

GILBERT SOSA

INTERNATIONAL CRIMINAL POLICE ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with