^

Metro

3 bus nagsalpukan: 3 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan na naganap sa malapit sa North Luzon Expressway, sakop ng lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SPO4 Raymund Layug, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 1, nakilala ang mga sugatan na sina Rudolf Ibanez, driver ng bus; at mga pasahero nitong sina Sara Villanueva, 30; at Jose Esteban, 38.

Sabi ni Layug, sa mga sugatan tanging ang driver na si Ibanez, ang nasa malubhang kalagayan dahil naipit ang mismong binti nito na maaari umanong maputol. Siya ay inoobserbahan ngayon sa Quezon City General Hospital.

Ang nagsalpukang mga bus ay ang Dalin bus liner (BVB-151) na ang driver ay si Ibanez; New RL Transport Corporation (TXG-882) driver ay si Hermogenes Catalan; at Everlasting Transport bus (UVL-797) na minamaneho naman ni Ruel Bacacay.

Nangyari ang insidente sa may loading and unloading area sa kahabaan ng NLEX, partikular sa southbound ng Camachile, ganap na alas-3:45 ng madaling-araw.

Kasalukuyan umanong nagbaba ng pasahero ang RL bus at Everlasting bus sa naturang lugar nang biglang dumating ang Dalin bus ng napakabilis, pagkalabas ng NLEX.

Mula dito, dire-diretsong tinumbok ng Dalin ang hulihang bahagi ng RL bus sanhi para mayupi ang unahang bahagi ng Dalin bus at maipit si Ibanez mula sa kanyang manibela.

Pero dahil malakas ang impact ng Dalin bus sa RL ay nagdire-diretso ang huli sa nasa unahan naman niyang bus na Everlasting kung saan sila kapwa nahinto.

Ayon pa kay Layug, tumagal ng halos isang oras bago tuluyang matanggal mula sa pagkaka-ipit si Ibanez at maitakbo ng mga sumaklolong rescue team sa naturang ospital.

Sabi pa ng opisyal, base sa pagsisiyasat nila kay Ibanez, sinabi umano nitong nawalan siya ng preno habang binabagtas ang nasabing kalsada.

Gayunman, sasampahan nila si Ibanez ng kasong reckless imprudence resulting in physical injuries at damage to properties, habang nasa ospital.

AYON

BUS

DALIN

EVERLASTING TRANSPORT

HERMOGENES CATALAN

IBANEZ

JOSE ESTEBAN

LAYUG

NORTH LUZON EXPRESSWAY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with