4 parak sa Vhong case sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ang mga pulis na gumawa ng blotter ni Deniece Cornejo na kalauna'y pinirmahan ni TV host Vhong Navarro sa Southern Police District.
Sinabi ng Philipine National Police na hindi sumunod sa protocol sina Southern Police District (SPD) police Officers 3 Eugene Pugal, Dalmacio Lumiuan, Rolly Laureto at Sr. Inspector Eduardo Alcantara nang dumulog sina Cornejo at negosyanteng Cedric Lee kasama si Navarro noong Enero 22.
Si Lumuian mismo ang tumanggap ng testimonya ni Cornejo, habang sinabi naman ni Laureto na hiniling ni Navarro na huwag nang ipaalam sa media ang insidente.
"Ayaw po nyang padala sa ospital. Sabi nya, 'wag din ilabas sa media," banggit ni Laureto.
Samantala, sinilip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ngayong Martes ang kontrobersyal na condominium unit kung saan umano ginulpi at 'binaboy' si Navarro.
Kasama ng NBI ang may-ari ng condominium unit sa Forbeswood Heights na si Soledad Ramos na napag-alamanang iparenta ito sa isang Malaysian national Greg Binunus.
Nauna nang sinabi ni Ramos na hindi niya kilala si Cornejo na pansamantala lamang pinatira ni Binunus sa condominium unit.
Sinabi ni NBI-NCR Assistant Regional Director Vicente De Guzman na naroon pa rin ang pagkaing dinala ni Navarro para kay Cornejo noong maganap ang insidente.
- Latest