Pagsasapribado sa Orthopedic, pinapipigil sa Supreme Court
MANILA, Philippines - Pinapipigil sa Korte Suprema ng mga militanteng grupo at health professional ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center sa lungsod ng Quezon.
Ito ay sa pamamagitan ng petisyon na inihain ng People’s Health Movement, Health Alliance for Democracy (Head), Bayan Muna at Kabataan Party List kung saan hiniling nila na magpalabas ang hukuman ng preliminary injunction.
Ayon sa mga petitioner, nang dahil sa pagsusulong ng gobyerno na isapribado ang Orthopedic Center, inaabandona ng pamahalaan ang tungkulin nito na tiyaking mabibigyan ng basic social services gaya ng pangangalaga sa kalusugan ang mga mahihirap na mamamayan.
Paglabag umano ito sa rights to health care at equitable access to health services na ginagarantiyahan ng Saligang Batas. Tinuligsa rin ng mga petitioner ang paggamit ng gobyerno sa Build Operate Transfer (BOT) Law sa pagsaÂsapribado ng health services na dapat ay ginagamit lamang umano sa konstruksyon o rehabilitasyon ng mga ospital at pasilidad nito.
Ang Orthopedic Center ay ang tanging ospital sa bansa na may specialization sa mga kaso ng spinal cord injuries, pero ito ay isinasapribado ng pamahalaan sa ilalim ng private public partnership project ni Pangulong Benigno S. Aquino Jr.
Ang Megawide-World Citi Consortium ang nakakuha sa 5.6-billion pesos na halaga ng concession agreement para sa nabanggit na pagamutan noong Disyembre.
Sa ilalim ng winning bid, papayagan lamang ang OrthoÂpedic Center na maglaan ng 70 hospital beds para serbisÂyuhan ang mga mahihirap na pasyente, at 420 para sa mga pasyente na suportado ng Philhealth gayong sa kasalukuyang sistema, 562 hospital beds o 85-percent ng buong kapasidad ng pagamutan ay inilalaan para sa mga mahihirap na pasyenteÂ.
- Latest