^

Metro

3 sasakyan magkakasunod na kinarnap sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong sasakyan ang kinarnap  sa magkakahiwalay na lugar sa loob lamang ng ilang oras habang nakaparada sa tapat ng kani-kanilang mga tahanan sa lungsod Quezon. 

Ayon sa ulat, ang mga sasakyan ay kinabibila­ngan ng isang kulay puting 2013 Nissan­ Urban van na may conduction sticker na LE-4251; isang puting 1993 Honda­ Civic (XKZ-300); at isang kulay silver na Mitsu­bishi Strada (TXQ-359).

Sabi ng imbestigador, ang mga naturang sa­sakyan ay tinangay noong nakaraang Sabado at Linggo habang naka-lock at nakaparada sa harap ng tahanan ng mga may-ari.

Ganap na alas-5:40 ng umaga nang ang Urban ni Carmelita delos Reyes ay nadiskubreng nawawala habang nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa Union Civica St., Brgy. Sto. Niño. Sabi ni Delos Reyes, natutulog siya sa kanilang sala nang ma­gising sa ingay­ ng makina ng kanyang sasakyan.

Nang kanyang labasin para tignan ay nakita niya ang isang lalaki na pinaandar ang kanyang sasakyan at mabilis na itinakas papalayo sa lugar.

Bago ito, alas-4 ng madaling-araw nang tangayin naman ang Honda Civic ni Marc Apostol, 25, habang nakaparada rin sa harap ng kanyang bahay sa kahabaan ng Dr. Lascano St., Brgy. Sacred Heart.

Nadiskubre na lang ni Apostol na nawawala ang kanyang sasakyan pag­labas niya ng bahay.

Ilang oras makalipas ito, nang madiskubre ni Jonasser Bersamina, 32, ang kanyang sasakyang Strada na nawawala sa labas ng kanyang bahay sa Mari­veles St., Sta. Mesa Heights, Brgy. San Isidro.

Ang nasabing kaso ay hawak na ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District-Anti-Carnapping Unit sa Camp Karingal, para sa ka­ukulang desposisyon.

BRGY

CAMP KARINGAL

DELOS REYES

DR. LASCANO ST.

HONDA CIVIC

JONASSER BERSAMINA

KANYANG

MARC APOSTOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with