^

Metro

Mister tinarakan ng screw driver, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 80-anyos na mister  ang  nasawi makaraang pagsasaksakin ng screw driver ng hindi nakikilalang salarin sa harap ng isang tindahan sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Nakatarak pa sa katawan ng biktimang si Leonardo Cabato, ang screwdriver nang isugod sa Quirino Memorial Medical Center at idineklarang patay, ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso.

Isinalarawan naman ang salarin na may taas na 5’7’’, nakasuot ng puting-t-shirt at stripe na pants na kulay asul.

Lumilitaw na nangyari ang insidente, ganap na alas-8:45 ng gabi sa harap ng isang tindahan sa #383 Boni Serrano St., Brgy. Blue Ridge-B.

Ayon kay Evelyn Hosmillo, papalabas sana siya ng kanilang bahay nang makita niya ang biktima na inuundayan ng saksak ng isang lalaki. Dahil dito, nagsisigaw si Hosmillo ng tulong sa mga kapitbahay hanggang sa mapilitang huminto ang suspek sa pananaksak at tumakbo papalayo.

Matapos nito, ang sugatang biktima naman ay pilit pa ring gumapang sa semento, habang nakatarak ang screw driver sa kanyang katawan. 

Nagsasagawa  naman ng follow up operation ang  pulisya upang matukoy ang  suspek.

 

vuukle comment

AYON

BLUE RIDGE-B

BONI SERRANO ST.

BRGY

DAHIL

EVELYN HOSMILLO

LEONARDO CABATO

PASCUAL FABREAG

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with