Iniwan ng ka-live-in nagbigti
MANILA, Philippines - Dahil sa matinding depresÂyon, nagbigti ang isang binata kahapon ng madaling araw sa Navotas City.
Wala ng buhay nang maÂtagpuan ang biktimang si Ramil Andal, 48, ng Everlasting St., Bgy. Tanza ng naturang lungsod.
Ayon sa Navotas City Police, alas-3:30 ng madaling-araw nang makita ang biktima na nakabigti ng nylon cord sa loob ng kanyang kuwarto ng kapatid na si Rodolfo.
Lumalabas na nakagaÂwian ni Rodolfo na pagkagising ay ikutin ang kanilang bahay at nang matapat sa kuwarto ng biktima ay laking gulat nang makitang sindi ang ilaw ng kapatid na hindi naman dating ginagawa ng biktima.
Binuksan ni Rodolfo ang pinto ng kuwarto at tumambad ang bangkay ng biktima dahilan upang itawag sa mga pulis ang insidente.
Ayon sa kapatid, bago naganap ang pagpapatiwakal, naging malulungkutin ang biktima mula nang iwan ng dating kinakasamang hindi na nakuha ang pangalan.
Nabatid sa pulisya, na posible aniyang na-depress ang biktima nang iwan at hiwalayan ito ng kanyang ka-live-in.
- Latest