OFW na may diperensiya sa isip naibalik na sa pamilya
MANILA, Philippines - Sinundo na kahapon ng kapamilya sa himpilan ng pulisya ang nawawalang ginang na Overseas Filipino Woker (OFW) na pinauwi mula sa bansang Dubai, dahil sa diprensiya sa pag-iisip.
Dakong alas 8:30 ng umaÂga nang puntahan sa Blumentritt Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District-station 3, ang OFW na itinago sa pangalang “Susanâ€, 39, ng Calauan, Laguna, kung saan ito kinalinga ng mga pulis.
May ilang araw umanong nakikitang pagala-gala at nanlilimahid ang ginang kaya pinakain ito at pinatuloy sa presinto.
Ayon sa ulat ni Chief Insp. Arsenio Riparip, nang makita ang passport ng ginang ay nakipag-ugnayan sila sa Department of Labor at natuklasang dumating sa bansa nitong Enero lamang subalit nawala ito pagtuntong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinontak ang pamilya upang agad na maibalik ang ginang.
Pinayuhan din ang pamilya na ipasuri sa doktor at magamot.
Ang ginang umano ay nawala sa katinuan kaya pinauwi ng bansa.
Nagpasalamat naman ang mister at pinsan ng ginang sa ginawang pagkaÂlinga dito, ayon kay SPO3 LuiÂsito Aguilar, desk officer ng
BluÂÂmentritt PCP.
- Latest