Guwardiya ng condo ni Cornejo lumabag – NCRPO
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na nagkaroon ng paglabag sa pagpapatupad ng seguridad ang mga guwardyang nakatalaga sa inuupahang condominium ni Deniece Cornejo sa Global
City, Taguig City.
Ayon kay NCRPO Director Carmelo Valmoria na nabalewala ang memorandum of understanding sa pagitan ng kanilang ahensiya at Philippine Association of Detective and Protective Agency Operators (PADPAO) kung kaya’t naganap ang pambubugbug sa actor-TV host na
si Vhong Navarro at hindi nila ipinabatid sa mga awtoridad ang insidente.
Ito’y dahil aniya sa pagmamatigas at hindi pakikipag-kooperasyon ng Mega Force Security Agency na may hawak sa Forbeswood Condominium sa pulisya.
Ipinaliwanag ni Valmoria na noong Disyembre 2013 nilagdaan ng NCRPO at PADPAO ang kasunduan na nagsasaad na magtutulungan ang mga pulis at guwardya sa pagpigil at pagresolba ng krimen.
Sinabi pa ni Valmoria na nakasaad din sa memorandum na magkakaroon ng close coordination at magi-ging bukas sa imbestigasyon kung may naganap mang krimen, subalit sa kanyang hinala ay hindi nangyari ito.
Dahil sa naging hakbangin ng mga guwardya ng naturang condominium na hindi nila pinapasok ang mga pulis para mag-imbestiga, itinutu-ring na isa itong krimen.
Ayon pa sa opisyal, pinag-aaralan na nila ngayon ang pagsasampa ng kaso laban sa pamunuan ng security agency dahil lumabag na sila sa naturang kasunduan.
“Hindi ko alam kung bakit hindi sinusunod ng mga security guard ang kasunduan ng PNP at sa kanila , mayroon ba silang itinatago dito sa nangyaring pambubugbog kay Navarro, O natatakot lang silaâ€pahayag ni Valmoria.
- Latest