^

Metro

Gasoline station hinoldap ng tandem

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumana na naman ang dalawang kilabot na holdaper na riding in tandem nang holdapin ang isang gasoline station sa Cagayan St., Congressional Avenue sa Quezon City, kahapon ng madaling- araw.

Ayon sa Masambong Po­­lice Station, isang Jovie Agustin, tauhan ng naturang gasolinahan ang nagsabi na dumaan pa sa kanilang gasolinahan ang mobile patrol ng  Masambong Police saka sila pinayuhan na sakaling may makita silang kahina-hinalang masamang elemento ay  agad tumawag sa naturang himpilan ng pulisya.

Pero makalipas lamang ang 25 minuto, dumating ang dalawang armadong lalaki lulan ng motorsiklo na nagdeklara ng holdap.

Mabilis naman na napuna ng kahera ang kahina-hinalang kilos ng dalawang suspek kaya agad niyang kinandado  ang kanyang opisina.

“Sinira po ng mga holdaper ang pintuan sa kahera saka sila pumasok at hinoldap ako, kaya sa takot ko, napi­litan po akong ibigay ang P10,000 na kita ng  gasolinahan,” pahayag ni Agustin.

Pinalad namang walang nasaktan sa nangyaring pang­hoholdap habang hiningi ng Quezon City Police ang CCTV ng nasabing gasoline station para matukoy ang mga hol­daper.

Napag-alaman sa mga  ga­­­soline boy na sa bilis ng pang­yayari, hindi nila na pla­kahan ang motorsiklo. Kapwa naka­suot ng helmet ang magkaangkas na holdaper.

 

AGUSTIN

CAGAYAN ST.

CONGRESSIONAL AVENUE

JOVIE AGUSTIN

MASAMBONG PO

MASAMBONG POLICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with