^

Metro

3-anyos anak ng Hapones kinidnap: Suspect na tiyuhin timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Makati City police ang isang 35-anyos na lalaki na sinasabing sangkot sa pag­kidnap sa isang 3-anyos na anak ng Hapones kamakailan sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang nadakip na si Arnulfo Monreal, super­visor sa isang  elevator company na sinasabing tiyuhin ng biktima.

Itinanggi naman ng nadakip ang naturang akusasyon.

Samantala ang biktima na itinago sa pangalang Shane, 3 ay nabawi matapos abandonahin sa East Service Road ng Upper Bicutan at agad na dinala sa mga opis­yal sa barangay.

Base sa rekord nawala ang paslit noong Enero 26 sa loob mismo ng kanilang bahay sa South Cembo sa Makati City.

Kinabukasan ay ipina-blotter ito ng tiyahing si Myrna­ na siyang nag-aalaga sa bata.

Si Arnulfo ay mister ni Myrna subalit hiwalay na ang dalawa.

Dalawang araw matapos mawala ang paslit ay nagtu­ngo pa si Arnulfo sa pulisya­ at inaalam ang umano’y tung­kol sa pagkawala ng kanyang pamangkin.

Lingid sa kanyang kaalaman ay narekober ng pulisya ang CCTV na doon ay nakita siya kasama ang biktima na naglalakad papalayo sa lugar.

Tatlong araw matapos ma­­­wala ang paslit ay naka­tanggap si Myrna ng text buhat umano sa dumukot sa bata at humihingi ng tatlong milyon ransom.

Si Shane ay anak ng Ha­pones na si Tatsuhiko Ha­yasho sa Pinay na kaanak ni Myrna.

ARNULFO MONREAL

EAST SERVICE ROAD

MAKATI CITY

MYRNA

SHY

SI ARNULFO

SI SHANE

SOUTH CEMBO

TATSUHIKO HA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with