^

Metro

Taguig police magsasampa ng obstruction of justice

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice ng Taguig City Police laban sa pangasiwaan ng Forbeswood Heights Condonimium at Megaforce Security Agency na siyang nangangasiwa ng seguridad sa naturang condominium. Ito’y matapos na magmamatigas ang mga ito na maki­pagtulungan sa pulisya kaugnay sa nangyaring insidente kay Vhong Navarro­ noong gabi ng Enero 22 sa loob ng naturang condo.

Noong Lunes (Enero 27) pa binigyan ng ultimatum ng Taguig­ City police ang pangasiwaan ng condominium at Security agency para isumite sa kanila ang kopya ng CCTV footage ng condo at logbook nito na mahalagang ebidensiya sa kanilang imbestigasyon ngunit hanggang kahapon ay pa­tuloy na nagmamatigas ang mga ito kahit na ilang beses na rin silang binigyan ng pagkakataon para isumite ang nabanggit na mga dokumento. Ayon kay Taguig City Police chief Sr. Supt Felix Asis, sapat na ang ibinigay nilang pagkakataon sa pangasiwaan ng condo at security agency para tumugon sa kanilang hinihinging dokumento ngunit tila wala itong planong makipag­­tu­lungan.

AYON

ENERO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDONIMIUM

MEGAFORCE SECURITY AGENCY

NOONG LUNES

SHY

SR. SUPT FELIX ASIS

TAGUIG CITY POLICE

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with