^

Metro

Banta sa pamilya ni Vhong, pinangangambahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ng kampo ng actor/TV host na si Vhong Na­varro sa Department of Justice (DOJ) ang paghingi ng proteksyon dahil sa pangambang pagtatangka maging sa buhay ng pamilya nito.

Ayon sa abogado ng aktor na si Atty. Dennis Manalo na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) kahapon ng hapon, kasama ang direktor na si Chito Roño, ang mana­ger ng actor, ito’y matapos na  isang tao ang nagbantang pumasok sa bahay ng aktor sa Quezon City.

Ayon kay Manalo, ang na­sabing indibidwal ay kumatok sa gate ng bahay ni Navarro at pasigaw na kinausap ang kasambahay nito at iniuutos na buksan ang gate.
Pero hindi umano sumunod ang kasambahay kaya hindi nakapasok ng bahay ang nasabing tao.

Nangyari umano ang pag­babanta matapos ang pagpapaunlak ni Navarro ng pa­­nayam sa isang TV network kaugnay ng nangyaring­ pambubugbog sa kanya. Ba­­­gamat hindi pa kumpirmado kung may koneksiyon ang nasabing pagtatangka sa insidenteng ki­nasangkutan ng actor/tv host, nakaramdam naman ng takot ang pamilya Navarro. 

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Justice Secretary Leila de Lima na aaksyon ang kagawaran kapag may natanggap na silang pormal na kahilingan mula sa kampo ni Navarro.

 

AYON

CHITO RO

DENNIS MANALO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAVARRO

QUEZON CITY

SHY

VHONG NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with