Supervisor, dedo sa tandem
MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na bingo supervisor ang patay maÂtaÂpos na pagbabarilin ito ng daÂÂÂlaÂwang hindi kilaÂlang kaÂlaÂÂlakihan na riding in tanÂÂdem at sugatan naman ang dalawang tricycle driver nang tamaan ang mga ito ng ligaw na bala sa Pasay City kahapon ng maÂdaling-araw.
Dead on the spot ang biktimang si John Lloyd Garcia, nakatira sa #168 Libis Espina St., Caloocan City, supervisor sa Extreme Bingo at IPI Tower sa Gil Puyat Avenue at Metropoint Mall sa EDSA AveÂnue, Pasay City, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Samantala, nilalapatan naÂman ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga tricycle drivers na sina Edmond Egat, 25, tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa at Edward Tingson, 61, tinamaan naÂman sa kanang hita.
Nagsasagawa pa ng follow-up ang Pasay City Police hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkakaÂkilanlan ng mga suspek.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaÂling araw malapit sa pinagtratrabahuan ng biktima sa naturang binguhan sa may EDSA Avenue ng naturang siyudad.
Nakasakay ng scooter ang biktima at hindi nito namaÂlayan ang paparating na motorsiklo na sakay ang mga susÂÂpek at walang salitang piÂÂÂÂÂnagbabaril ang una na naÂging dahilan ng agaran nitong kamatayan at ang dalawa naman na tinamaan ng ligaw na bala ay dinala sa naturang
ospital.
Nabatid na pinaaalis umano ng biktima ang ilang bystander na pakalat-kalat malapit sa binguhan dahil maingay ang mga ito.
Kung kaya’t iniimbestigahan ng mga pulis kung may kinalaman ito sa pagpaslang sa naturang biktima.
- Latest