^

Metro

Maglive-in partner todas sa resbak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paghihiganti ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagkamatay ng mag-live-in partner matapos pagbaba­rilin ng  pitong katao  na pa­wang miyembro ng Sawako gang kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Manila Central University (MCU) Hos­pital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Efren Villanueva, 40  habang nalagutan naman ng hininga habang ginagamot sa naturang pagamutan sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan ang ka-live-in nitong si Josephine Paraiso, 44,  kapwa residente ng #047 Mariano Ponce St., Bgy. 135 ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang pitong sus­pek kabilang ang isang babae at ang isa dito ay nakilala lamang sa “alias Bonjhong” na pawang miyembro ng natu­rang gang.

Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-8:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-live-in sa naturang lugar.

Nagpapahinga ang mga biktima nang dumating ang mga suspek na sakay sa tatlong motorsiklo.

Bumaba si Bonjhong at  pinasok nito ang bahay ng mga biktima habang nagsilbi namang look out ang anim na kasama nito.

Walang sabi-sabing pi­na­putukan ni Bonjhong si Villa­nueva na naging dahilan upang magsisigaw si Paraiso na naging dahilan din upang pagbabarilin din  ito ng  suspect.

Matapos  nito ay  mabilis na tumakas ang mga suspek  sa hindi matukoy na direksiyon sakay ng mga motorsiklong hindi nakuha ang mga plaka.

Agad namang dinala ang mga biktima sa natu­rang pa­gamutan kung saan luma­labas na paghihiganti­ ang motibo ng grupo dahil noong nakaraang linggo ay may pinatay na isang miyembro ng Sawako gang sa naturang lugar at isa si Villanueva sa pinagbibinta­ngan na may kinalaman umano­ sa pagpatay.

 

vuukle comment

BONJHONG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EFREN VILLANUEVA

JOSEPHINE PARAISO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with